Mga mangingisda na pumapalaot kahit may storm warning , huhulihin ng Coast Guard at ituturn over sa pulisya

by Radyo La Verdad | July 8, 2015 (Wednesday) | 1892

PCG ARMAND BALILIO
Muling nagpaalala ang Philippine Coast Guard nahuhulihin at iti-turnover sa pulisya ang mangingisdang magpipilit na pumalaot ngayong masama ang panahon

Ayon kay Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo kahit malayo ang bagyong Falcon may nakataas pa ring gale warning ang Pagasa sa Northern Luzon kaya delikadong pumalaot dahil sa malalaking alon.

Panawagan ng Coast Guard, ipagbigay alam sa kanila ang mga pasaway na mangingisda na pumapalaot pa rin bagamat masama ang panahon.

Kailangan yun hulihin dapat yun ipagbigay alam yun sa Coast Guard kasi hindi naman naming mamonitor lahat yan. Mag-coordinate doon sa mga barangay at ikutan talaga ngayon kung nakalayo na talagang may problema tayo diyan pero kung may nakita na kaagad pwede naming habulin yun ng coastguard kung sakaling nandoon pa.“pahayag ni Philippine Coast Guard Spokesman Cmdr. Armand Balilo

Tags: