Mga mangingisda at magsasaka, pinakamahirap pa rin sa Pilipinas sa 2021 – PSA

by Radyo La Verdad | March 27, 2023 (Monday) | 7977

METRO MANILA – Nananatiling pinakamahirap na sektor ang mga mangingisda at magsasaka batay sa Poverty Incidence noong 2021.

Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga mangingisda ang may pinakamataas na poverty incidence noong 2021 sa 30.6%, sinundan ng mga magsasaka sa 30%, mga bata sa 26.4% at mga indibidwal na nakatira sa rural areas sa 25.7%.

Ang mga nabanggit na sektor ang nakapagtala rin ng pinakamataas na poverty incidence noong 2015 at 2018.

Tags: , ,