Mga magsasaka, hinimok na magtanim ng kamote at iba pang heat-resistant crops upang kumita kahit may El Niño phenomenon

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 7514

LALAINE_KAMOTE
Umabot na sa mahigit walong daang milyong piso ang halaga ng pinsala ng El Niño phenomenon sa agrikultura sa Iloilo Province.

Gayunpaman, tiniyak ng Department of Agriculture na sapat pa rin ang supply ng bigas sa probinsya sa kabila ng mga natuyong palay.

Subalit maraming magsasaka ang bumaba ang kita kaya sa 2nd cropping season ngayong taon, marami sa kanila ang nagtanim ng mga binhi na kayang tumagal sa sobrang init gaya ng pakwan, mais at saging ang upang kumita kahit papaano.

Ngunit ayon sa Department of Agriculture, mas maiging magtanim ng kamote dahil isa ito sa most resilient crops.

Ang Iloilo ay may type 1 at type 2 na klima na angkop sa pagtatanim ng kamote.

Dagdag kita ito sa mga magsasaka dahil pwede nila itong gawing potato chips o kaya’y ibenta ang bunga samantalang maaari naman nilang kainin ang talbos nito.

Planong simulan ng lokal na pamahalaan ang pagtatanim ng sweet potato sa susunod na taon at matapos ang anim hanggang pitong buwan ay maaari na itong anihin.

Uma-asa ang Agriculture Office na maging sweet potato exporter ang probinsiya ng Iloilo sa mga susunod na taon.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,