Mga maglalakbay ngayong bakasyon, pinaalalahanan laban sa paglaganap ng virus

by Radyo La Verdad | January 29, 2018 (Monday) | 3005

Dahil papasok na ang Lunar New Year, abala na ang mga tao sa Taiwan. Dahil sa holiday at inaasahang pagdagsa ng mga nagnanais magbakasyon, nagpaalala ang Taiwan Center for Disease Control sa mga byahero  sa ibang bansa na ikondisyon muna ang katawan bago maglakabay.

Dahil ito sa lumalaganap na mga impeksyon gaya na lamang halimbawa ng nagaganap na influenza outbreak, at maging ang stomach flu.

Ayon sa mga expert, mahalaga na masigurong nasa ayos ang kundisyon ng katawan bago magbiyahe. Ipinapayo rin na magpabakuna kung kinakailangan laban sa mga sakit na posibleng makuha sa pangingibang bansa.

Sa South Korea, mayroon na silang H5N6 infections at pinangangambahan nga na posibleng magkaproblema ang mga atleta sakaling mahina ang immune system dahil sila ang host ng Winter Olympics ngayong taon.

Payo ng mga eksperto, ugaliing maghugas ng kamay at hanggat maari ay cooked food ang kainin, dahil hindi sigurado kung hilaw ang kakainin.

Pinapaalalahanan din na maglagay ng proteksyon sa lamok at iwasan ang paghawak sa mga hayop, gaya ng aso, pusa, ibon, at iba pa.

 

( Amiel Pascual / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,