Visa free entry ng mga Pilipino sa Taiwan, posibleng bawiin dahil sa travel ban ng Pilipinas sa Taiwan

by Erika Endraca | February 13, 2020 (Thursday) | 18582

METRO MANILA – Gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan ng Taiwan upang kontrahin ang travel ban na pinataw sa kanila ng Pilipinas.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office in Taiwan Chairman Angelito Banayo pinulong na si Taiwan President Tsai Ing-Wen ang kanyang gabinete para ilista ang mga hakbang na posibleng gawin ng Taiwan laban sa travel ban ng Pilipinas.

At isa na umano sa posibleng gawin nito ay kanselahin ang visa-free entry nito sa mga Pilipino sa Taiwan, aniya na sumama ang loob ng Taiwan sa pagkakasama nila sa ban gayun kakaunti naman ang kaso ng Coronavirus sa Taiwan kumpara sa ibang bansang kalapit ng China.

“Una dahil parang lumalabas one-China policy ang dahilan dahil hindi isinama ang taiwan noong Feb 2 pagkatapos idinagdag na lang kayat nitong Feb 10 ang travel ban. At pangalawa kung ang dahilan ay laganap ang nCoV dito ay hindi totoo yun dahil 18 cases lang dito wala namang namamatay samantalang sa Singapore sa Vietnam sa Thailand sa Japan at sa Korea napakaraming kaso compared sa Pilipinas bakit yun hindi naman natin pinapatawan ng travel ban.” ani Manila Economic And Cultural Office In Taiwan Chairman Angelito Banayo.

Kaya mismong si MECO Chairman Angelito Banayo nanawagan natin sa pamahalaan na ikunsidera ang isyung ito.

Dahil kung tuluyang kakanselahin ng Taiwan ang visa free entry ng mga Pilipino inaasahang maapektuhan nito ang nasa halos 200 Pinoy.

Una nang sinabi ng malakanyang ibinatay nila sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) ang pagsama sa Taiwan sa expanded travel ban.

Pero nilinaw naman ni WHO Country Representative Dr.Rabindra Abiyasinghe na hindi nila inirekomenda sa pamahalaan ng Pilipinas na isama ang Taiwan sa travel ban.

“Position has been no travel restrictions. Repatriation again is a political issue that is decided at a country level.” ani WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe .

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,