Mga Lumad, tinututulan ang pagpapalago ng agricultural plantations sa Mindanao

by Radyo La Verdad | October 28, 2015 (Wednesday) | 3223

JOYCE_LUMAD
Dalawang taong nagtrabaho ang bente ocho anyos na si Alvin sa isang banana plantation sa Mindanao.

Kwento ni Alvin dahil aniya sa nalanghap niyang aerial spray na mga kemikal at pesticide na ginagamit sa mga pananim, unti- unti na siyang nagkakaranas ng ibat ibang sakit sa katawan, pagsusuka, at panghihina.

At nang tuluyan nang hindi na makapagtrabaho si Alvin, tinanggal siya sa trabaho nang hindi binigyan ng kahit anong financial o health assistance at benefits.
Isa lang si Alvin sa mga indigenous people na Lumad na nagta-trabaho sa malalaking plantation sa Mindanao.

Ang kalagayang ito ng mga trabahador sa plantasyon ang isa lamang sa mga dahilan para magtungo ng maynila mula sa mindanao ang mga lumad at manawagan sa pamahalaan na ipatigil na ang operasyon ng mga agricultural plantation sa kanilang lugar.

Ayon sa kanilang Spokesperson na si Datu Jomorito Goaynon, marami na sa mangagawang Lumad ang malubha ang mga karamdaman hanggang sa ngayon.
Bilang suporta sa mga lumad, itinatag ang network resisting expansion of agricultural plantations in mindanao o reap.

Pinangunahan ito ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Center for Trade Union and Human Rights at Rural Missionaries of the Philippines.

Nanawagan ang mga grupo na ipatigil ng adminstrasyong aquino ang mga paglalagay pa ng mga plantasyon na sumisira sa mga lumapain at maging sa kapaligiran.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, kailangan magpatupad ang pamahaan ng repormang agraryo na ang makikinabang ay ang mga magsasaka at manggawa.(Joyce Balancio/UNTV Correspondent)

Tags: , ,