Mga lugar na posibleng maapektuhan ng El Niño, tinutukoy na ng Department of Agriculture

by Radyo La Verdad | May 15, 2023 (Monday) | 5956

METRO MANILA – Tinutukoy na ng Department of Agriculture (DA) ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng El Niño.

Sa press briefing ni DA Usec Leocadio Sebastian noong Biyernes (May 12) sa Malacañang, sinabi nito na may positibo at negatibong epekto ang El Niño sa agrikultura.

Sa mga lugar aniya na magkakaroon ng negatibong epekto ay doon sila maglalagay ng mga pamamaraan para maibsan ang epekto ng El Niño.

Pero may mga lugar naman aniya na gumaganda pa ang produksyon dahil sa matinding sikat ng araw.

Ayon kay Usec Sebastian, katulong ang National Irrigation Administration (NIA) ay pinagtatanim nila ng mas maaga ang mga magsasaka.

Inaasahang magiging maulan pa ang mga buwan na maguumpisa ang pag-iral ng El Niño sa Hunyo hanggang Agosto.

Sa huling bahagi pa aniya ng taon mararamdaman ang epekto ng El Niño na inaasahan namang tatawid sa unang bahagi ng 2024.

Tags: , ,