Mga kaso ni Janet Lim Napoles kaugnay ng Pork Barrel Scam, pinagtibay ng Supreme Court

by Radyo La Verdad | August 30, 2016 (Tuesday) | 5853

IMAGE_UNTV-News_APR302014_JANET-NAPOLES
Pinagtibay ng Supreme Court ang mga kasong graft, malversation at corruption of public officers na isinampa ng Ombudsman laban kay Janet Lim Napoles kaugnay ng Pork Barrel Scam.

Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon na inilabas ngayong araw, dinismiss ng Korte Suprema ang mga apela ni Napoles na ipawalang-bisa ang mga kasong isinampa ng Ombudsman.

May kinalaman ang mga kaso sa umano’y anomalya sa paggastos sa Priority Development Assistance Fund o PDAF nina dating Congressmen Constantino Jaraula at Samuel Dangwa na nagkakahalaga ng 50-million at 54-million pesos.

Dinismiss din ng SC ang mga kaparehong petisyon nina dating Technology Resource Center Director General Antonio Ortiz at dating NABCOR President Alan Javellana kaugnay naman ng anomalya sa PDAF nina dating Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,