Mga kaso ng pagdukot sa bansa, bumaba na – PNP Anti-crime Group

by Radyo La Verdad | July 11, 2017 (Tuesday) | 4260


Siyam lamang na insidente ng kidnapping ang naitala ng PNP Anti-Kidnapping Group simula Enero ngayong taon. Karamihan dito ay mga pagdukot na may kaugnyan sa turf war at hindi gawa ng mga Organized Crime Group.

Sinangayunan naman ito ng Movement for Restoration of Peace and Order o MRPO. Anila sa nakalipas na dalawang buwan ay wala silang naitalang anumang kaso ng kidnapping.

Malaking improvement ito kung ihahambing sa bilang ng mga kaso noong nagdaang taon.

Iniugnay ang mababang bilang ng kidnapping sa pinaigting na operasyon ng PNP laban sa kidnapping.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,