Mga kaso ng nakawan sa Metro Manila, bumaba dahil sa kampanya kontra droga ayon sa NCRPO

by Radyo La Verdad | November 2, 2016 (Wednesday) | 1543

roderic_crime-rate
Halos kalahati ang nabawas sa mga insidente ng nakawan sa buong Metro Manila mula nang ilunsad ang kampanya laban sa iligal na droga.

Batay sa datos ng NCRPO, mula sa 2.27 na weekly average nitong Enero hanggang Hunyo, bumaba na ito sa 1.24 sa huling linggo ng Oktubre.

Ayon sa pamunuan ng Metro Manila Police, may direktang kaugnayan ang mga insidente ng carnapping, robbery at theft sa iligal na droga.

Sa ngayon, shoplifting na lamang ang karamihan sa mga naitatalang kaso ng nakawan.

Inaasahan ding bababa pa ito sa mga susunod na buwan.

Samantala, matapos mapanatili ang mapayapang paggunita sa Undas ngayong taon, tututukan naman ng pulisya ang seguridad sa parating na holiday season at pagtatapos ng taon.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,