Nahuli ang 2 kasapi ng Communist Party of the Philippines -New Peoples Army (CPP-NPA) na parehong mga iskolar ng Mindanao Interfaith Services Foundation Incorporated (MISFI) at part-time teachers din ng HARAN, matapos ang isang sagupaan sa pagitan ng militar at mga terorista sa Davao City.
Nangyari ang bakbakan noong Nobyembre 14, 2020 sa Sitio Quibilog, Brgy Mapula, Paquibato District, Davao City alas-10 ng umaga.
Kinilala ang mga nahuli na sina Nasria Bansil alias ASH, babae, 22 taong gulang, isang Squad Medic at si Geliejorain Ngojo alias MAYO, lalake, 21 taong gulang na isa namang Supply Officer ng grupo.
Ibinunyag ng 2 na nakakaranas ng malubhang krisis ang kanilang grupo dahil sa walang humpay na operasyon ng militar sa pagtugis sa kanila.
Ayon pa kay alias MAYO, naranasan niyang mahimatay dahil sa hirap at gutom habang tumatakas sa mga tropa ng gobyerno, at 3 na din sa mga kasamahan nila ang nasugatan.
(Raymund David | La Verdad Correspondent)