Mga dumulog sa DOH quitline na nais tumigil sa paninigarilyo, umabot na sa 284

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 1571

Mula nang ilunsad ang DOH quitline noong June 19, nakatanggap na ito ng 284 calls mula sa mga nais nang tuluyang matigil sa paninigarilyo.

Bilang inisyal na solusyon ay binibigyan ng mga health expert ng payo ang mga caller kung paano labanan ang kanilang adiksyon sa nicotine.

Sa tala ng DOH, 20 hanggang 30 tawag ang kanilang natatanggap bawat araw mula sa mga smoker. Sa ngayon, inoobserbahan pa ng DOH ang success rate ng quitline na bukas bente kwatro oras.

Bukod sa DOH quitline mayroon ding nagtutungo sa mga cessation clinics ng DOH. Binibigyan din ang mga ito ng payo at alternatibong paraan upang maiwasan na ang kanilang bisyo. Isinasailalim din sila sa mga replacement therapy.

Samantala, wala pang hawak na datos ang Health Department kung ilan na ang nahuling lumabag sa nationwide smoking ban simula nang ipatupad ito noong July 23.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,