Pangulong Duterte, isusulong ang batas na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga susunod na buwan

by Radyo La Verdad | March 30, 2017 (Thursday) | 2677


Isusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pagpapatupad ng Nationwide Smoking Ban.

Ayon sa pangulo aalamin muna nya ang opinyon dito ng medical sector at pag-aaralan bago magdesisyon kung tuluyan nang ipagbabawal sa ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bansa.

Noong unang linggo ng Marso, naisumite na ng Department of Health sa Office of the President ang proposed executive order na tuluyang magpapatupad sa Nationwide Smoking Ban.

Tags: , , ,