Mga cellphone at charger na nagkakahalaga ng P400,000, nakumpiska sa NAIA

by Radyo La Verdad | May 4, 2017 (Thursday) | 2857


Nasa isang daang unit ng cellphone at charger ang nakumpiska sa isang Chinese national ng Bureau of Customs sa terminal two ng Ninoy Aquino International Airport.

Nakuha ang mga ito mula kay Chen Haibi na dumating sa bansa noong May 1 mula sa Guangzho, China.

Ayon sa BOC, walang naipakitang dokumento si Haibi at hindi niya idinekalara ang laman ng kanyang bagahe na tinatayang nagkakahalaga ng apat na raang libong piso.

Batay sa polisiya ng National Telecommunications Commission, hindi maaaring magbenta ng mobile phones at accessories sa bansa kapag walang registration certificate ang dealer o re-seller mula sa NTC.

Naglabas na rin ng seizure and detention order ang BOC sa kargamento ni Haibi dahil sa paglabag nito sa Customs Modernization and Tariff Act.

(Aiko Miguel)

Tags: , , ,