Mga biktima ng bagyong Nona, sinisikap na matulungan ng pamahalaan ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | December 18, 2015 (Friday) | 1167

JERICO_COLOMA
Patuloy nang nakikipagugnayan ang Department of Public Works and Highways o DPWH at Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga lokal na pamahalaan na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sinisikap ng naturang mga ahensya na mabigyan ng agarang tulong ang mga biktima partikular sa Oriental Mindoro para sa pagsasaayos ng kanilang mga nasirang tahanan.

Tinutulungan na din aniya ang mga pamilyang namatayan ng kamaganak sa kasagsagan ng bagyo.

Ayon pa kay Coloma, nakatakdang magsagawa ng post disaster needs assessment ang pamahalaan kapag natugunan na ang lahat ng mahalagang pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng bagyong Nona.

“Isinagawa ng pamahalaan ang lahat ng nararapat upang paghandain ang mga mamamayan sa panganib mula sa bagyong Nona. Nakikipag-ugnayan ang DPWH at DSWD sa lokal na pamahalaan upang mabigyan ng agarang tulong hinggil sa pagsasaayos ng mga nasirang bahay. Tinutulungan din ang mga pamilyang namatayan ng kamag-anak. Magsasagawa ng ganap na post disaster needs assessment kapag natugunan na ang lahat ng mahalagang pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng kalamidad.” pahayag ni Coloma.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: