Mga biktima ng Bagyo at Lindol maaaring umutang sa SSS at GSIS

by Erika Endraca | December 9, 2019 (Monday) | 8986

METRO MANILA – Magbibigay ng calamity loan ang Government Service Insurance System (GSIS) at ang Social Security System (SSS) sa lahat ng mga naging biktima ng Bagyong Tisoy maging ng mga nagdaang lindol.

Sa GSIS ay hanggang P20,000 ang ma-aaring utangin ng mga taga gobyerno na babayaran sa loob ng 3 taon. Kailangan lamang nakatira ito sa mga lugar na nasa ilaim ng state of calamity.

Samantala 3 special calamity package naman ang alok ng SSS sa kanilang mga miyembro. Ito ay ang calamity loan assistance na may 10% interest na maaring bayaran sa loob ng 3 taon, direct house repair moratorium program o di kaya ay mag advance ng 3 buwang pensiyon.

Tags: ,