Umaani ngayon ng papuri sa social media ang istorya ng mga bata sa South-Western China na umaakyat pa ng matatarik na bundok para lang makapasok sa paaralan.
Tuwing dalawang linggo ay umaakyat at bumababa sa 800-meter cliff na bundok ang labing limang bata mula sa Atuler Village.
Aabutin naman ang mga magaaral ng dalawat kalahating oras upang tahakin ang napakadelikadong daan papunta sa kanilang eskwelahan.
Daan daang taon ng naninirahan sa mga liblib na lugar ang mga residente ng atuler upang takasan ang mga nagdaang giyera.
Simula ng maifeature sa mga balita at pahayagan ang buhay ng mga bata, nangako ang lokal na gobyerno na magpapagawa ng bakal na hagdan sa mga daraanan ng mga ito.
(UNTV RADIO)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com