Posibleng makuha na ng mga motorista ang mga bagong plaka na nakabinbin sa Land Transportation Office ngayong Marso.
Ayon kay LTO Chief Roberto Cabrera, mangyayari ito kung ili-lift ng COA ngayong buwan ang disallowance na inissue nito sa LTO.
Dito pa lang anya maaasikaso ng LTO at DOTC ang process of payments ng mga plaka sa COA at Department of Budget and Management.
Subalit ang Bureau of Customs hindi basta basta irerelease ang mga plaka.
P40 million ang buwis na kailangan munang mabayaran ng importer nito na Power Plates Development Concepts Incorporated at ng Dutch firm na JKG.
Nagbabala naman si Customs Commissioner Alberto Lina sa mga naturang importer na idedeklarang abandoned cargo ang nasa 600,000 na mga bagong plaka at io-auction ito kapag hindi sila nakapagbayad.
(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)
Tags: LTO, Marso, Mga bagong plaka