Pinsalang dulot ng El Niño sa bansa, umabot na sa P4.77 billion

by Radyo La Verdad | March 3, 2016 (Thursday) | 2330

MACKY_EL-NINO
Umabot na sa P4.77 billion ang napinsalang sakahan ng El Niño Phenomenon sa buong bansa.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Emerson Palad, noong Enero at Pebrero pa lamang ay P1.34 billion na ang naging damage sa mga sakahan.

Pinaka naapektuhan dito ay ang nasayang na palay na nagkakahalaga ng P864.37 million.

P477.48 million naman ang nasayang na mais habang P2.1 million sa mga high-value crops at mga gula.y

Bukod dito ay apektado din ang kabuhayan ng libo libong magsasaka sa bansa, nangunguna ang ang Mindanao sa pinakamaraming bilang ng magsasaka na naapektuhan na umabot na sa mahigit 16,000.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,