Mga alagang hayop patuloy na inililikas ng lokal na pamahalaan ng Tanauan, Batangas

by Radyo La Verdad | January 22, 2020 (Wednesday) | 29969

Pag-rescue ng PETA sa mga alagang kabayo at aso na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Jan 15, 2020. PHOTOS: Ken Alvarez and Sonny Rivas

Inilikas ng City Veterinary Office ang 23 baka, 3 kabayo  at ilang mga alagang aso katuwang ang Carabao Center of the Philippines mula sa Barangay Balele, Gonzales at Wawa kahapon (Jan. 21, 2020).

Ang mga hayop ay dinala at pansamantala inilagak sa auction market slaughter house sa Barangay 4, Tanauan City.

Dito maaring bisitahin at pakainin ng mga may-ari ang kanilang mga alagang hayop habang patuloy ang pag aalburoto ng Bulkang Taal.

Bukod sa paglikas sa mga hayop, pinapakain at binibigyan ng bitamina ng grupo ang mga hayop na kanilang nakikita sa kalsada gaya ng mga aso.

“Ang kautusan ng atin Mayora i-evacuate lahat ng animal but tingin ko hindi lahat ng farmer ay willing mag-evacuate since logistics na lamang at pahirapan,” ani Dr. Bryan Pamplona, Chief Animal Division, Tanauan.

Pero aminado ang lokal na pamahalaan ng Tanauan na hindi nila kayang i-relocate ang lahat ng hayop sa lugar dahil sa dami nito.

“Pahirapang itransport ‘yun, nakakaranas kami tatranport kami ng baka inaabot kami  ng kalahating araw para sa 20 heads na baka,” ayon kay Dr. Aries Garcia, City Veterinary.

Apat na araw ng iniikot ng City Veterinary office ang bayan ng Tanauan at itutuloy ito para mailikas ang mga alagang hayop ng mga residente.

Samantala ibinebenta na ng 25 pesos per kilo ang mga baboy sa Tanauan dahil hindi na alam ng mga hog raiser kung paano pa nila maalagaan ang mga ito.

Nasa dalawangpung mga alagang baboy ang ibinenta ng isang kooperatiba sa munisipyo ng Tanauan para iluto nalang at ipakain nalang sa mga evacuee.

Tiniyak nanaman ng City Veterinaty Office na ligtas itong kainin.

Ayon sa ilang hog raiser, mabuti umanong mapakinabangan ito ng mga residente kaysa mamatay nalang sa gutom ang mga ito kapag naiwan sa mga lugar na isinailalim sa total lockdown ng pamahalaan.

(Mirasol Abogadil)

Tags: , , , ,