Mga ahensya ng Executive Dept., pinatutukoy kung may savings pa sa 2020 budget

by Erika Endraca | May 13, 2021 (Thursday) | 2702

METRO MANILA – Inasatan ni Pang. Rodrigo Duterte sa bisa ng Administrative Order Number 41, ang lahat ng ahensya sa ilalim ng Executive Department na tignan kung may bahagi pa ng kanilang 2020 budget na maaaring ideklarang savings mula sa nakumpleto, hindi ipinagpatuloy o inabandonang mga proyekto at programa.

Isusumite ng mga head ng agency at budget and finance officers ang ulat kaugnay nito sa Department of Budget and Management (DBM) sa loob ng 15 araw.

Ang DBM naman ang magrerekomenda sa pangulo ng halaga ng pondong maaaring ideklarang savings sa ilalim ng fiscal year 2020 general appropriations act gayundin ang mga item sa appropriation na kinakailangang i-augment kabilang na ang emergency subsidies sa low-income households at displaced workers.

Sa ilalim ng Republic Act Number 11520, pinalawig ang availability ng appropriations ng 2020 national budget hanggang December 31, 2020.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: