Kasado na ng gagawing transport strike ng PISTON sa ika-19 ng Marso. Tinututulan pa rin ng grupo ng mga jeepney driver at operator ang modernization program ng pamahalaan sa mga jeepney sa bansa.
Sobrang mahal anila ang mga unit ng jeep na umaabot sa 1.6 hanggang 1.8 million pesos. Hindi rin anila nakahanda ang pamahalaan maging ang mga manufacturer ng bagong units na ipapalit sa jeep para palitan ang nasa 180 hanggang 200 thousand na jeep na namamasada ngayon.
Ayon kay George San Mateo ng PISTON, magkakaroon sila ng 5 rally centers sa Metro Manila na kinabibilangan ng Monumento sa Caloocan, Bayan-Novaliches, Alabang-Viaduck, Anda Circle sa Maynila at ang pinaka main ay ang sa Cubao.
Ayon naman kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, nakahanda silang mag-deploy ng mga sasakyan para umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada.
Tuloy aniya ang modernisasyon para narin sa kapakinabangan ng mga pasahero at makasunod sa batas ng Clean Air Act.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )
Tags: Metro-wide transport strike, modernization program, Piston