Sa susunod na taon ay sisimulan na ang malalaking proyekto ng pamahalaan, ito ay kasunod ng pag-apruba ng tax reform bill kung saan malaking porsyento ng buwis na makokolekta ay ilalaan sa infrastructure projects.
Kabilang na dito ang 355.6 billion peso- Metro Manila Subway Project, ito ang kauna-unahang Mass Underground Transport System sa bansa na magkokonekta sa North at South ng Metro Manila.
Sisimulan na rin ang 12.55 billion peso – expansion project ng Clark International Airport. Layon ng mga proyekto na ito na mabawasan ang congestion sa Metro Manila, partikular na ang kalbaryo sa problema sa trapiko.
Ang dalawang proyekto na ito ay kabilang sa 75 projects sa ilalim ng Build Build Build program ng administrasyon.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )