Didinggin na simula bukas hanggang November 30 ng United Nations Arbitral Tribunal ang merito ng kasong isinampa ng Pilipinas sa China hinggil sa maritime dispute sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos na maglabas ng desisyon ang tribunal noong Oktobre 30 na nagsasabing may jurisdiction ito sa kaso at admissible ang claims na iprenisenta ng Pilipinas.
Pito sa labing limang mga claims ng Pilipinas ang reresolbahin ng tribunal.
Kabilang dito ang isyu ng maritime entitlements ng Scarborough Shoal, Mischief Reef, Second Thomas Shoal, Subi Reef, Gaven Reef, Mc Kennan Reef at iba pa
Maging ang isyu ng pagharang ng China sa mga nangingisdang mga pilipino ay tatalakayin sa tribunal
Ayon sa tribunal, hindi makaka apekto sa jurisdiction nito sa kaso ang patuloy na pagtanggi ng China na sumali sa pagtalakay dito.
Sinabi rin ng tribunal na hindi pang aabuso sa UNCLOS ang ginawang pagdulog ng pilipinas sa kaso kahit tumatanggi ang China.
Pagkatapos ng pagdinig, apat hanggang anim na buwan pa ang hihintayin bago mailabas ang desisyon.
Ayon kay Justice Carpio, posibleng maglabas ng ruling ang tribunal bago o pagkatapos ng halalan sa susunod na taon.
Tags: UNCLOS, United Nations Arbitral Tribunal, West Philippine Sea