Memo ng PNP na imonitor ang mga malalaking kilos-protesta, pinaiimbestigahan ng Makabayan Bloc sa Kamara

by Radyo La Verdad | October 9, 2018 (Tuesday) | 7319

Nais paimbestigahan ng Makabayan Bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso ang memo na nilabas ng Philippine National Police (PNP) noong ika-25 ng Setyembre 2018.

Nakasaad sa memo na kailangang imonitor kung may presensya ng mga threat groups tulad ng communist terrorist group sa mga isasagawang mass protest action.

Kasama ring imomonitor ng PNP ay ang mga kandidatong sinusuportahan ng Communist Party of the Philippines (CPP) na makikilahok sa May 2019 midterm elections at ang mga paghahandang ginagawa para sa ika-50 anibersaryo ng CPP sa Disyembre 2018.

Ayon sa Makabayan congressmen, ang memong ito ay maituturing na paniniktik sa mga aktibistang grupo at pagpapakita umano na tinatrato ng PNP ang mga ligal na pagkilos bilang terorismo.

 

 

Tags: , ,