MECQ with added restrictions, ipatutupad sa NCR, Laguna at Bataan hanggang Sept. 7

by Erika Endraca | August 30, 2021 (Monday) | 45451

METRO MANILA – Mananatili pa rin sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) with added restrictions ang Metro Manila, Laguna, at Bataan hanggang September 7, 2021.

Ibig sabihin mas mahigpit na MECQ pa rin ang iiral sa mga lugar na ito hanggang sa susunod na Martes.

Bawal pa rin ang dine-in services, personal care services at mananatiling virtual ang religious gatherings.

Samantala, MECQ rin sa Apayao, Ilocos Norte, Bulacan, Cavite, Lucena, Rizal, Aklan, Iloilo Province, at lima pang ibang lugar.

“Ang NCR, Bataan at Laguna ay may added restrictions sa dine-in, personal care services at religious activities, bawal pa po ito bagaman nasa mecq na po tayo.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Samantala, General Community Quarantine with heightened restrictions naman hanggang September 7 ang Ilocos Sur, Cagayan, Quezon, Batangas, Naga City.

Gayundin ang Antique, Bacolod City, Capiz, Cebu Province, Negros Oriental sa Visayas

At Zamboanga Del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro at butuan city sa mindanao.

Mananatili rin sa general community quarantine hanggang sa susunod na martes ang baguio city, santiago city, quirino, isabela, nueva vizcaya, tarlac, puerto princesa, negros occidental,
Zamboanga Sibugay, Davao Oriental , Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani at 11 pang lugar.

Habang nasa MGCQ status naman ang nalalabing bahagi ng bansa.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , , ,