Hindi bababa sa 600 bag ng dugo ang nalikom ng Members Church of God International (MCGI) mula sa kanilang mga volunteer sa regular na mass bloodletting activity na isinagawa sa probinsya noong nakaraang taon.
Ang mga ito ay idinodonate ng grupo sa kanilang partner in public service na Bulacan Blood Donors Society.
Kaya naman sa isang pagtitipon sa Malolos, Bulacan noong ika-16 ng Agosto, bilang pagkilala sa kontribusyon ng grupo ay pinagkalooban ito ng Bulacan BDS ng Most Supportive Partner Award.
Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, kinikilala ng kanilang kagawaran ang kontribusyon ng MCGI upang makahikayat ng mas maraming blood donors hindi lamang sa Bulacan kundi maging sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Binigyan din ng BDS ng galloner award ang siyam na volunteers ng MCGI dahil sa kanilang mahigit siyam na beses na pagdodonate ng dugo.
Bukod sa MCGI, ilang grupo rin sa Bulacan ang ginawaran ng pagkilala ng BDS para sa kanilang kontribusyon sa blood donation drive sa lalawigan.
( Nestor Torres / UNTV Correspondent )
Tags: BDS, MCGI, Most Supportive Partner Award