MCGI North Cavite, muling nagsagawa ng mass blood donation

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 2502

Iba’t-ibang critical medical emergencies gaya ng aksidente, panganganak at iba paang kadalasang nangangailangan ng dugo mula sa Philippine Blood Center.

Kasama na din dito ang mga pasyenteng may sakit na dengue na madalas ay nangangailangan na masalinan ng dugo dahil sa pagbaba ng kanilang platelets. Kaya naman hindi nauubos ang pangangailangan sa mga donors araw-araw.

At upang makatugon sa pangangailangang ito, muling nagsagawa sa ikatlong pagkakataon ngayong taon ng at Members Church of God International Cavite Chapter.

Sa pagkakataong ito, ang mga donors naman mula sa North Cavite ang nagkaisang magbahagi ng kanilang dugo. Umabot ng 63 bags ng dugo ang nakolekta ng grupo at naidonate sa PBC.

Nag-anyaya naman ang ilang mga donor sa publiko na subukan ding magdonate ng dugo dahil mismong sila ay nakaranas ng magandang epekto nito sa kalusugan.

 

( Guiller Dumaran / UNTV Correspondent )

Tags: , ,