Sa ika-walong sunod na taon, muling nagsagawa ang Members Church of God International (MCGI) ng blood donation drive sa bansang Italya.
Katuwang ng grupo sa public service na ito ang isa sa kanilang partner na Policlinico Hospital kung saan isinagawa ang event noong Martes.
Isa sa mga nakiisa rito ay ang taekwondo player na si RJ Gabuyo. Ito na aniya ang ika-18 beses na nagdonate siya ng dugo.
Isang overseas Filipino worker (OFW) din sa Italia ang nahikayat na magdonate ng dugo dahil sa natutunang adbokasiya mula kina Bro. Eli Soriano at Bro. Daniel Razon na “Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay hindi magbubunga ng masama”.
May ilan naman sa ating mga kababayan na nagtungo din sa ospital upang makiisa sa blood donation drive ngunit hindi nakapasa sa screening.
Subalit ayon sa mga ito, paghahandaan na nila ang susunod na activity upang makapagdonate rin ng kanilang dugo.
Sa kabuoan, nalikom mula sa mga blood donor na nakilahok sa naturang proyekto ng labintatlong bag ng dugo.
Isinasagawa ng mcgi ang blood donation drive sa Italy, dalawang bese sa loob ng isang taon.
( Edith Artates / UNTV Correspondent )
Tags: blood donation drive, Italy, MCGI