MCGI East Cavite Chapter, nagsagawa ng mass bloodletting activity

by Radyo La Verdad | February 2, 2018 (Friday) | 4180

Mapapababa ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso at cancer at nakapagpapalakas ng cardiovascular health, ilan lamang ito sa benepisyong nakukuha ng isang tao kapag regular na nagdodonate ng dugo. Ngunit higit sa lahat ay ang pagkakataong makatulong sa kapwa.

Kaya naman, ang Members Church of God International ay patuloy na sumusuporta sa panawagang pagsasagawa ng Mass Blood Donation Activity. Tulad na lamang ng MCGI Cavite Chapter na sa ikalawang pagkakataon ngayong buwan ay nagsagawa mass bloodletting.

Sa kabuoan, nakapagbigay ng 41 bags na dugo ang MCGI East Cavite Chapter sa Philippine Blood Center na maaaring magamit ng mga kababayan nating nangangailangan.

Kaya naman paalala ng PBC sa mga nais magdonate ng dugo ay sundin ang kanilang payo upang pumasa sa screening.

Nasa 65,000 blood bags reserve ang target makolekta ng Philippine Blood Center ngayong taon kumpara sa mahigit 45,000 noong nakaraang taon.

 

( Guiller Dumaran / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,