Itinuturing na isa sa pinaka-maruming ilog ang Sapang Balen Abacan River sa syudad ng Angeles City sa Pampanga dahil sa dami ng mga basurang nahahakot dito ng lokal na pamahalaan.
May haba itong mahigit walong kilometro na sakop ang siyam na barangay sa naturang syudad.
Ayon sa City Environment and Natural Resources Office o CENRO, nitong taong 2014 at 2015 ay mahigit tatlong tonelada ng basura ang nahakot dito.
Upang makatulong sa problema ng CENRO, nilinis ng ahensya ang maruming ilog katuwang ang Members Church of God International.
Ayon sa CENRO, malaking tulong sa kanila na makiisa ang publiko at iba’t-ibang sektor upang mapanatiling malinis ang ating mga ilog.
Muli namang nanawagan ang CENRO sa publiko na huwag magtapon ng basura kahit saan lugar lalo na sa mga ilog at mga kanal upang maiwasan ang mga pagbaha.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: CENRO Pampanga, lalawigan, MCGI, mga maruming ilog