Mayor Rodrigo Duterte, nanguna sa pre-election surveys ng Pulse Asia at SWS

by Radyo La Verdad | April 26, 2016 (Tuesday) | 6126

SURVEY
Mas tumaas pa ang ratings ni Mayor Rodrigo Duterte sa inilabas na bagong survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations o SWS.

Sa Pulse Asia Survey na inilabas ngayong weekend, nanguna si Duterte na may 34 percent, pumangalawa si Senator Grace Poe na may 22 percent.

Pangatlo naman si Vice President Jejomar Binay na may 19 percent at statistically tied kay dating Interior Secretary Mar Roxas na may 18 percent. Habang 2 percent naman ang rating ni Senator Miriam Santiago.

Isinagawa ang Pulse Asia Survey bago maging viral ang video ni Duterte tungkol sa biro niya sa australian missionary nan i-rape at pinatay ng mga inmates noong 1989.

Sa bagong survey naman ng SWS na isinagawa matapos ang rape remark ni Duterte na inilabas ngayong araw, lumalabas na ang mayor parin ang nangunguna.

Mula 27 percent tumaas pa sa 33 percent ang ratings ni Duterte.

Sinundan naman ito ni poe na may 24 percent at Roxas na may 19 percent. Si Vice President Jejomar Binay naman ang may pinaka malaking ibinaba sa ratings na may 14 percent. Habang 2 percent naman ang kay Sen. Miriam.

Sa vice presidential surveys naman, si Senator Bongbong Marcos ang nanguna sa Pulse Asia survey na mayroong 29 percent.

Sinundan ito ni Rep. Leni Robredo na may 23 percent, at Senator Chiz Escudero na may 20 percent. 16 percent naman si Sen Alan Cayetano, 4 percent si Sen. Honasan at 3 percent si Sen. Trillanes.

Satistically tied naman si Rep. Robredo at Sen. Marcos sa pinaka-latest na survey ng SWS na inilabas ngayong araw.

Sa lahat ng kandidato, si Robredo ang may pinakamakalaking itinaasa ng rating sa 26 percent mula sa 20 percent.

Sumunod kay Robredo si Senator Bongbong Marcos na may 25 percent.

Nasa third place si Sen. Chiz Escudero na may 18 percent, Cayetano 16 Trillanes 5 at Honasan 2 percent.

Sa isang statement, nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Marcos sa iba umanong pattern survey, giniit rin nito na hindi sila dumedepende sa resulta ng surveys.

(Darlene Basingan /UNTV NEWS)

Tags: , ,