Mayor Duterte, nangunguna pa rin sa mga kandidato sa pagkapangulo ayon sa pinakahuling survey ng SWS at Business World

by Radyo La Verdad | April 25, 2016 (Monday) | 3410

SWS-SURVEY-2
Sa kabila ng mga negatibong reaksyon na nakuha ni Presidentiable at Davao City Mayor Rodrigo Duterte kamakailan dahil sa kontrobersyal na rape joke nito ay nananatili itong nangunguna sa survey sa mga kandidato sa pagkapangulo sa darating na halalan sa Mayo ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations na kinomisyon ng Business World.

Nakuha ni Duterte ang tatlumput tatlong porsyentong voter preference rating o kabuuang anim na puntong pagtaas mula sa dating 27% nito noong March 30 hanggang April 02.

24% naman ang nakuha ni Senator Grace Poe, 19% kay Liberal Party standard bearer, 14% kay Vice President Jejomar Binay habang dalawang porsyento naman kay Senator Miriam Defensor Santiago.

Isinagawa ang survey sa 1800 respondents noong April 18 to 20.

Samantala sa kaparehong survey din ay nanguna si Representative Leni Robredo sa mga kandidato sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa at nalampasan sa ranking si Senator Bongbong Marcos.

Nakakuha si Representative Robredo ng 26% na voter preference rating, mas mataas ng pitong puntos sa 19% na nakuha nito noong March 30 to April 2 vice presidential survey.

Pumangalawa na lamang si Senator Marcos na may 25 percent, labingwalong porsyento ang kay Senator Chiz Escudero habang 16 percent naman kay Senator Alan Peter Cayetano.

Sinundan naman ito ni Senator Antonio Trillanes the fourth na nakakuha ng 5 percent at Gregorio Honasan the second na may dalawang porsyento

(UNTV RADIO)

Tags: , ,