Manila, Philippines – Nakakaranas ng mahinang water pressure o tuluyang pagkawala ng supply ng tubig ang mga kostumer ng Maynilad sa ilang barangay sa Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas at Cavite simula kahapon.
Ito ay dahil sa ipinatutupad na emergency water service interruption ng water concessionaire.
Paliwanag ng maynilad lilinisin nila ang kanilang water treatment facility dahil pinasok na ito ng algae o lumot na nangagaling sa Laguna lake. Kailangan nilang agad lunasan ang problema upang maiwasan na makontamina ang tubig.
“If you go to laguna lake now naging kay green na yung tubig diyan sa dami ng algae,because this is somewhat unprecedented we were forced to reduced the production of our treatment facilities kasi kailangan ng more frequent cleaning yung aming filters dahil naka-clog ito so may mga pumapasok na algae from laguna lake” ani Maynilad Spokesperson Jennifer Rufo.
Sa Muntinlupa City, kabilang sa mga lugar na mawawalan ng tubig sa magkakaibang oras ang Barangay Alabang, Cupang Sucat Ayala Alabang, Poblacion, Putatan at Tunasan.
Habang sa Las Piñas, sakop ng water service interruption ang Barangay Almanza Uno, Alamza Dos, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pilar, Pulang Lupa Dos, Talon Uno, Talon Dos, Talon Tres, Talon Kwatro, BF International at CAA.
Sa Parañaque City mawawalan ng tubig ang Barangay BF Homes at San Antonio sa pagitan ng alas-5 ng umaga hanggang alas-2 ng madaling araw.
Ilang mga barangay rin na sakop ng Imus City at Bacoor City sa Cavite ang mawawalan ng tubig mula alas-9 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.
Ayon sa maynilad bagaman mayroon nang schedule ang water service interruption, posibleng mapalawig pa rin ang oras kung kailan maibabalik ang suplay ng tubig. Tatagal ang water service interruption hanggang sa May 14.
Samantala, tiniyak naman ng maynilad na mayroon silang sapat na suplay ng tubig para sa kanilang mga customer sa kabila ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa angat dam.
“Pagdating mula duon sa ating suplay sa angat ok tayo so we have enough supply to last up through the summer months kasi naka hinge lang yan basta hindi babawasan ng nwrd ang alokasyon sa metro manila mula sa angat dam,maynilad should be able to sustain the needs of its customers” ani Maynilad Spokesperson Jennifer Rufo.
(Joan Nano| Untv News)
Tags: Cavite, Las Piñas, Maynilad customers, Maynilad Water Services, Muntinlupa, paranaque, water interruption