Ilang lugar sa Caloocan, Navotas, QC, Manila, Valenzuela, walang tubig sa May 22-27

by Radyo La Verdad | May 22, 2023 (Monday) | 7532

METRO MANILA – Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa mga lungsod ng Caloocan,  Maynila, Navotas, Valenzuela at Quezon City mula ngayong araw ng Lunes, May 22 hanggang Sabado, May 27.

Batay sa anunsyo ng Maynilad Water Services, Inc. ito ay dahil sa isasagawang maintenance sa west zone.

Magsisimulang mawala ang supply ng tubig sa ilang bahagi ng Caloocan City mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Alas-11 rin ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa Navotas City.

Sa lungsod ng Maynila naman ay mawawalan ng tubig ang ilang lugar mula alas-11 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw.

Sa Valenzuela City, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga mawawalan ng suplay sa ilang apektadong site.

Habang sa ilang lugar sa Quezon City ay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga. At mayroon ding mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Payo ng Maynilad sa mga apektadong customer, mag-imbak ng sapat na tubig para sa kabuoan ng water service interruption.

Nakahanda na rin ang mga water tanker upang maghatid ng tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.

Tags: ,