Mawawalang kita ng NFA kapag tuluyang naisabatas ang rice tariffication bill, aabot sa P160-M piso kada taon

by Radyo La Verdad | November 26, 2018 (Monday) | 3824

Pinaghahandaan na ng National Food Authority (NFA) ang napipintong reporma sa ahensya kapag tuluyan ng naisabatas ang rice tariffication bill.

Sa ilalim ng naturang batas, aalisan ng kapangyarihan ang NFA bilang regulatory body pagdating sa importasyon ng bigas.

Ayon kay NFA officer-in-charge Tomas Escarez, 160 milyong piso ang mawawalang kita sa ahensya kada taon dahil sa rice tarrification law.

Apat na raang empleyado naman ang maaaring maapektuhan ng naturang batas.

Pinapagpapaliwanag naman ni Senator Francis Pangilinan ang NFA kaugnay ng alegasyon ng pakikipagsabawatan ng ilang opisyal ng ahensya sa mga mapagsamantalang trader kaya tumaas ang halaga ng bigas sa merkado.

At ang umanoy iligal na pagbebenta ng bufferstock sa mga rice trader, wala pang detalyadong sagot ang NFA ukol sa usaping ito.

Tags: , ,