Mataas na bilang ng aberya sa halalan, naitala Ngayong 2019 elections – Comelec

by Erika Endraca | May 15, 2019 (Wednesday) | 4712

Manila, Philippines – Mahigit 900 ang naitala ng Commission on Elections (COMELEC) na insidente ng nagkaaberyang vote counting machines (VCM) nitong Martes.

Mataas ito kumpara sa 801 lang noong 2016 polls. Pero ang ayon sa poll body ang bilang ng nagkaproblemang makina ay isang porsyento lamang sa mahgit 85,000 na vcms na ginamit sa buong bansa.

1, 665 naman na sd cards ang corrupted at hindi gumana nitong Martes. 120 sd cards lang ang nagkaproblema noong noong 2016 elections. Pero sa kabila ng naranasang mga problema naninindigan ang poll body na naging matagumpay ang halalan ngayong taon.

“Despite those glitches that we have since it is ust less than 1% of the etire 85,000 plus clustered precincst we can say that the elections is successful” ani Comelec Commissioner Marlon Casquejo.

Paliwanag pa ng poll body, isa sa mga nakita nilang problema kung bakit tila mas madaming aberya ngayong taon ay dahil iba- iba ang supplier ng sd cards, vote counting machines at ng mga marking pens.

“In 2016 bundled iyong aming bidding ibig sabihin isang supplier lang ang nag- supply ng makina, marking pern ng papel and sd cards. Smartatic lahat iyon, bundled iyon. After 2016 humingi kami ng budget sa dbm so ang nabigya sa amin is otp , iyong option to purchase nabili natin ang 2016 na makina. Ang problema sa otp is unbundled iyong component, so ngayon iba ang supplier ng makina, iba ang supplier ng sd cards , iba rin ang supplier ng papel at marking pen so doon ang nakita namin problema hindi masyadong nagma- match..” Ani Comelec Chairman Sheriff Abas.

Iniimbestigahn na aniya ng poll body kung bakit nagkaroon ng problema sa mga gamit mula sa iba’t ibang supplier gaya ng mga sirang marking pens at mababang kalidad ng sd cards.

Dumaan anila sa masusing pagsusuri sa bidding process ang nakuha nilang supplier ng sd cards . Katunayan aniya isa din sa mga nag- bid ang smartmatic para sa sd cards nguni’t natalo ito dahil 70 million pesos ang kanilang bid kumpara sa lowest bid na 29 million pesos.

“Definitely pinapa- review ko na sa law department iyong magiging penalty just in case or may violation ng kontrata but again siympre kailangan din natin marinig iyong side nila..” Ani Comelec Chairman Sheriff Abas.

Dahil sa mga naranasanag problema ngayon sa halalan, pinag- iisipan ng comelec ang gagawing paghahanda para sa 2022 presidential elections. Humingi rin ng paumanhin ang poll body sa publiko dahil sa mga naitlang aberya at tiniyak na hindi nito maaapektuhan ang resulta ng halalan.

“Pag- aaralan namin kung una gagamitin pa ba namin sa pangatlong beses ang vcm o magli-lease kami ng bago. So iyon ang mga decision points namin or magbu-bundled kami this time in 2022 para iyong sd cards mag- synchronized sa papel, sa marking pen,magsy- synchronize sa vcm..” Ani Comelec Chairman Sheriff Abas.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: , , ,