Maskless holiday sa Disyembre, kumpyansang maaabot ng Pilipinas

by Erika Endraca | June 18, 2021 (Friday) | 3911

METRO MANILA – Umabot na sa 5.51 million ang mga Pilipinong nabakunahan ng first dose ng COVID-19 vaccine sa buong bansa as of June 16, 2021.

Samantalang, 2.012 million naman ang kumpleto na ang doses na natanggap laban sa COVID-19.

50 hanggang 70 milyong mamamayan ang target ng pamahalaang mabakunahan bago matapos ang taon.

Tiwala ang palasyo, makakamit ng Pilipinas ang maskless holiday sa December 25, 2021 gaya ng nararanasan na ngayon sa Israel at ibang dako ng Estados Unidos.

“Kaya po yan. Kaya nga po we are aiming for population protection kasi alam na natin sa mga bansang nakamit na nila ang containment, hindi na sila nagmamaskara at least sa outdoors gaya po ng Israel at ilang lugar sa Amerika.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Ayon naman sa isang biological sciences expert, achievable ito kung hindi magkakaroon ng problema sa arrival ng suplay ng bakuna sa bansa.

Dapat ding at least 250,000 doses sa isang araw ang mai-administer sa NCR Plus areas mula ngayong buwan ng Hunyo hanggang November 30, 2021 upang maabot ang containment sa Greater Manila Area gayundin ang tinatatarget na herd immunity.

“I follow the number of vaccinations in the ncr plus eight, we have the capacity as long as we have the supply. I am hopeful that the supplies are arriving based on the schedule that sec. Galvez has published.” ani UST Professor of Biological Sciences Prof. Nicanor Austriaco.

Giit pa nito, dapat mauna ang herd immunity kontra COVID-19 sa NCR Plus upang maiwasan ulit mangyari ang spill over ng virus sa iba pang bahagi ng bansa.

Samantala ayon pa sa biological science expert, hindi ginagamit ang bakuna upang tugunan ang kasalukuyang nararanasang mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang bahagi ng bansa kundi upang maiwasan ang future surge na karaniwang nag-uumpisa sa Greater Manila Area.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,