Mas maraming kalsada isasara bukas sa Metro Manila dahil sa APEC Summit

by Radyo La Verdad | November 17, 2015 (Tuesday) | 1882

ROAD-CLOSURE-1
Pinayuhan ng Philipine National Police-Highway Patrol Group at Metro Manila Development Authority ang mga motorista na alamin ang mga alternatibong ruta dahil simula bukas mas maraming pang kalsada ang isasara dahil sa APEC Summit.

Kabilang na rito ang buong kahabaan ng Roxas Blvd. mula Katigbak Road hanggang Airport Road

Sarado naman ang buong paligid ng CCP Complex hanggang November 20 kabilang na ang;

Vicente Sotto street, Bukaneg street, J.W. Diokno Boulevard, Bridge Buendia Avenue- Extension, M. Jalandoni street

Pinaiiwasan na rin sa mga motorista ang Edsa mula sa Ortigas Avenue hanggang sa Roxas Blvd. sa Pasay

Isasara rin ang Ayala Avenue area bukas mula alas-tres ng hapon hanggang alas-onse ng gabi

Sarado rin ang Ayala Center hanggang November 19 partikular ang Ayala West Bound lanes Makati Avenue hanggang Paseo de Roxas

Sa huwebes November 19 sarado rin ang buong Mall of Asia area mula alas-sais ng umaga.

Naglaan naman ng mga alternatibong ruta para sa mga public utility vehicles at mga pribadong sasakyan ang mmda sa naturang lugar

Patuloy ang implemenatasyon ng number coding at truck ban sa buong Metro Manila sa linggong ito.

Samantala, marami sa ating mga kababayan ang napilitang maglakad na lamang papasok sa trabaho dahil sa walang masakyan at sobrang traffic

Bukas ay wala ng pasok sa lahat ng pribadong sektor hanggang sa araw ng huwebes. (Mon Jocson/UNTV News)

Tags: , ,