Mas malinaw nacommunication policy ng Administrasyong Duterte, inilabas ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | September 15, 2016 (Thursday) | 1797

rosalie_andanar
Constructive criticisms ang turing ng Presidential Communications Office sa mga punang tinanggap ng opisina kamakailan matapos ang ilang kontrobersyal na pahayag ng mga tagapagsalita at ilang miyemrbo ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa na rito ang umano’y pagkakaroon ng maraming tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya naman, muli nitong nilinaw ang communication policy ng Duterte Administration.

Si Secretary Ernesto Abella ang opisyal na tagapagsalita ng pangulo.

Samantala, lahat naman ng mga katanungan at paglilinaw hinggil sa mga naging pahayag ng pangulo ay nararapat idirekta sa Presidential Communications Office o PCO.

Ito rin ang magdedetermina kung sinong cabinet member ang nararapat na magbigay ng klaripikasyon sa naging statement ng pangulo.

Samantala, sa kabila ng mga kritisismo laban sa mga pahayag ni Pangulong Duterte kaugnay ng foreign policy nito, nanindigan si Presidential Spokesperson Secretary Ernesto Abella na malaki ang nagawa ng pangulo upang kilalanin ang Pilipinas sa buong mundo.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,