Nagbabala ang Center For Climate Science sa University of California Los Angeles (UCLA) sa posibilidad ng mas malalaki at mapaminsalang wildfires sa mga susunod na taon sa California.
Ayon sa bioscience journal study noong Pebrero, ang mortality rate ng mga puno sa California ay patuloy na lumalala na posibleng maging dahilan ng “mass fire” sa estado gaya ng nangyaring Ventura fire noong 2017, na naging pinakamalaking wildfire sa kasaysayan ng California.
Ayon sa Sierra Club, isang environmental organization sa California mula pa noong 2014, mayroon ng hanggang 129 milyong mga puno ang namamatay sa halos 8.9 million acres ang dating may mga punong kulay berde.
Isinisisi ng mga environmentalist ang phenomenon sa climate change, hindi normal na taas ng temperatura, panahon ng matinding tagtuyot sa California at overgrowth ng mga halaman dahil sa fire suppression bunsod ng wildfires.
Bagamat tumutulong ang state government na alisin ang mga patay na puno sa mga forest area upang maiwasana ng malalaking wildfires, nagpaalala ito na laging maging handa lalo na sa paparating na summer season.
Hinihikayat din ng pamahalaan ang mga residente na tumulong sa pag-aalis ng mga puno na natutuyo na sa kanilang lugar.
Ngunit ayon sa ilan sa mga ito, masyadong magastos kung ang mga residente ang papasan, dahil ang gastos para alisin ang isang patay na puno ng isang professional ay aabot ng isang daang US dollars o katumbas ng 52,370 piso.
Tags: California, UCLA, wildfire