Mas mahigpit na seguridad sa halalan, ipatutupad sa Batangas dahil sa mga naitalang kaso ng karahasan

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 1420

VINCENT_BATANGAS-POLICE
Sunud-sunod na ang naitatalang kaso ng karahasan sa probinsiya ng Batangas habang papalapit ang araw ng botohan.

Sa ulat ng Batangas Police, pinakahuli sa kanilang namonitor ang kaso ng pamamaril kay Mario Rivera na tumatayong campaign manager ng isang mayoralty candidate ng sto. Tomas.

Napaulat rin ang pagpatay sa isang kapitan ng barangay sa Bauan, ilang government officials sa Lipa, Mataas na Kahoy, at kumakandidatong konsehal sa Sto. Tomas.

Ilan sa mga nabanggit na lugar ay nasa ilalim ng PNP election watchlist.

Kaugnay nito, magpapatupad ang Batangas Police ng mas mahigpit na seguridad sa araw ng halalan sa Lunes upang matiyak ang kaligtasan ng mga botante gayundin ng Board of Election Inspectors.

Umapela rin sila sa publiko na tumawag sa kanilang hotline na 0977-814-8110 para sa anumang sumbong at impormasyon.

(Vincent Octavio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,