Martial Law sa Mindanao, hanggang Ngayon Araw nalang (Dec. 31)

by Erika Endraca | December 31, 2019 (Tuesday) | 28279

METRO MANILA – Ngayong araw(Dec. 31)  na ang huling araw ng ipinatutupad na Batas Militar sa Mindanao matapos itong i-extend ng 3 beses mula nang ideklara ni Pangulong Duterte taong 2017 dahil sa paglusob ng mga teroristang Maute-ISIS sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay Presidential Spokesperson and Chief Legal Counsel Salvador Panelo, pinal na ang desisyon ng Pangulo na huwag palawigin ang Batas Militar.

“President Rodrigo Duterte is not extending martial law. It will expire on December 31, 2019″ani Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel .

Maging si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay inirekomenda rin niya sa Pangulo ang Martial Law termination .

“The whole of Mindanao no selective martial law because i was assured by our armed forces and the PNP that we have already accomplished what we aim to do with martial law”  ani DND Sec. Delfin Lorenzana.

Samantalang ang AFP at PNP naman ang naging basehan na dapat nang alisin ang Batas Militar ay ang stable nang seguridad sa Mindanao at ang paghina ng terorismo at rebelyon.

“Mayron na pong pronouncement ang Malacanang na hindi na iextend ang martial law beyond December 31” ani AFP Spokesperson, BGEN. Edgard Arevalo.

Pero, sa kabila nito, tutol naman ang ilang residente sa rehiyon. anila maganda ang naging epekto ng martial law sa ipinatutupad na seguridad sa kanilang rehiyon.

Nadisiplina rin ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan na huwag nang maglakad tuwing dis-oras ng gabi.

Binigyang diin ng mga ito, kung wala nang Martial Law ay babalik na naman ang mga masasamang loob at mga abusado.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: