Marilou Danley, nakausap na ng FBI kaugnay sa ginawang pamamaril ng kasintahang si Stephen Paddock

by Radyo La Verdad | October 5, 2017 (Thursday) | 3090

Walang ideya si Marilou Danley na may planong masama ang kasintahang si Stephen Craig Paddock, ito ang inihayag ni Danley matapos siyang makausap ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation.

Bumalik ng Amerika si Danley mula sa Pilipinas upang makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring mass shooting.

Sa statement ng Filipino Australian na binasa ng kaniyang abugado, sinabi nito na labis niyang ikinalungkot ang pangyayari at nagpaabot ng pakikiramay sa mga biktima at kanilang pamilya.

Ayon kay Danley, si Paddock ang nagkumbinse sa kaniya na magbakasyon sa Pilipinas upang mabisita ang mga kamag-anak.

Habang nasa Pilipinas, nagpadala ng pera ang kasintahan upang makabili siya ng bahay.

Nakiusap naman si Danley na igalang ang kaniyang privacy pati ng kaniyang pamilya.

Samantala, walang nakitang suicide note ang mga otoridad sa hotel kung saan ginawa ni Paddock ang pamamril.

Pinag-aaralan naman ng mga otoridad kung may mga kasabwat ang suspek lalo’t nakapagpasok ito ng maraming baril sa hotel room.

Samantala, mahigit 300 na sa mga nasugatan dahil sa pamamaril ang nakalabas na ng ospital.

 

( Kath Canlas / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,