2,600 ft na drug tunnel mula California patungong Mexico, nadiskubre ng FBI

by Radyo La Verdad | April 21, 2016 (Thursday) | 2341
2,600 ft na drug tunnel sa California(REUTERS)

2,600 ft na drug tunnel sa California(REUTERS)

Nadiskubre ng United States Federal Agents ang isang underground tunnel na ginagamit sa pagpupuslit ng illegal na droga malapit sa border ng Mexico at California.

May haba itong two thousand six hundred feet o katumbas ng walong football field.

Natatakpan ng isang malaking steel garbage container ang butas patungo sa tunnel na may lalim na halos kalahating milya.

Nakuha sa tunnel ang anim na toneladang marijuana at halos isang toneladang cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng four point-two million U-S dollars.

Ito na ang ika-sampung large scale tunnel na ginagamit sa drug smuggling na nadiskubre sa San Diego, California simula pa noong 2006.

Tags: , , ,