Marawi Compensation Bill, aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Senado

by Radyo La Verdad | February 3, 2022 (Thursday) | 7071

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng Senado noong Januar 26 ang Senate Bill 2420 o ang Marawi Compensation Bill.

Ayon sa Marawi Reconstruction Conflict Watch (MRCW) noong January 27, malaki ang maitutulong nito sa mga residente ng Marawi upang maibalik ang dating pamumuhay at dignidad ng nasa 300,000 na biktima ng Marawi Siege.

Habang gumugulong pa ang proseso nito ay hinikayat ng MRCW ang House of the Representatives na suportahan ang nasabing bill upang mabilis itong maipasa. Ipinamamadali na rin nila ang pagtalakay ng nasabing bill sa ikatlo at huling pagbasa bago matapos ang sesyon ng kongreso sa February 4 upang mapirmahan agad ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ganap na batas.

Lubos na ikinatuwa ng MRCW ang nasabing desisyon ng Senado at binigyan nila ng pagkilala ang mga effort na ginagawa ng mga senador upang maipasa ang Marawi Compensation Bill.

Kaalinsabay ng anunsiyo ng pag-apruba nito ay naging emosyonal si Senator Juan Miguel Zubiri sa kaniyang pahayag sa kanyang Facebook post dahil makatutulong ang Marawi Compensation Bill sa mga residenteng naapektuhan ng bakbakan sa Marawi.

Dagdag pa ni Senator Ronald Dela Rosa sa kanyang Facebook post, layon din ng naturang bill na maipatayong muli ang mga bahay ng mga residente sa Marawi.

(Judren Soriano | La Verdad Correspondent)

Tags: