METRO MANILA – Nawalan na ng tiwala sa China ang maraming Pilipino bunsod ng nangyayaring tensyon sa West Philipine Sea (WPS).
Batay sa survey na isinagawa ng Octa Research Group, nasa mahigit 1,000 Pilipino edad 18 taong gulang pataas o 91% ang wala na umanong tiwala sa China.
Ayon pa sa research group, patuloy ang pagbaba ng trust rating ng mga Pilipino sa China simula pa noong Pebrero 2022.
Kasunod ito ng inilabas na resulta ng Octa Research Survey sa unang quarter ng taon.
Para sa ilang political analyst, inaasahan na ito bunsod ng mga isyu sa pagitan ng China at Pilipinas partikular na ang mga panggigipit ng Chinese forces sa mga Pilipino sa West Philippine Sea.
Tags: Octa Research Survey, Pilipino, WPS