Manila Vice Mayor Isko Moreno, binatikos ang “No registration, No travel” policy ng LTO

by dennis | April 1, 2015 (Wednesday) | 1897
Photo credit: Official Facebook page of Manila Vice Mayor Isko Moreno
Photo credit: Official Facebook page of Manila Vice Mayor Isko Moreno

Binatikos ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang “No Plate, No Travel” policy na ipinatutupad ng Land Transportation Office (LTO) na sinimulan ngayong araw

Kinuwestyon ng bise alkalde ang naturang polisiya at sinabing bakit kailangang magdusa ang mga inosenteng motorista samantalang bunga ito ng kapabayaan ng ahensya at ilang car dealers.

Ayon kay Moreno, dahil sa kapabayaan ng LTO, nagresulta sa mahigit 12 buwan na delay ang pamamahagi ng mga plate number at sticker.

Buwelta pa ng alkalde, sana ay nagpatupad na rin ng “No Plate Release, No Pay policy” dahil nauna nang nakapagbayad ang mga motorist sa pagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan

Plano ni Moreno na kumonsulta sa kanyang mga kasamahan sa konseho at sa Vice Mayors League of the Philippines na kanyang pinangungunahan bilang pangulo, para maghain ng formal objection sa LTO sa susunod na linggo

 

Tags: , ,