Mandatory ROTC Bill, bigong maipapasa ng Senado bago matapos ang 17th Congress

by Erika Endraca | June 5, 2019 (Wednesday) | 4244
(C) Canadian Inquirer

Senate Philippines – Bigong maipasa ng senado ang ilang priority bills kahapon (June 4) bago matapos ang 17th Congress.

Ayon kay senate majority leader Juan Miguel Zubiri, kabilang dito ang mandatory rotc bill at amiyenda sa public service act.

Dagdag pa ng senador, gipit na sila sa  oras para talakayin ang naturang mga panukalang batas.

“Rotc maiiwan kasi napakarami sa aming priority measures na hinihingi ni presidente napaka-controversial, for exampke yung rotc bill, pito ang nakalista na mag-interpellate at halos pito o walo ang gustong mag-amend” ani Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Samantala, kahapon (June 4) ang huling sesyon ng kongreso bago matapos ang 17th congress, iyon rin ang huling sesyon ng mga senador na tapos na ang termino at ng mga hindi nanalo sa nakaraang halalan.

(Lea Ylagan | Untv News)

Tags: ,