Mandatory PhilHealth coverage para sa mga PWD, pasado sa Kamara

by Radyo La Verdad | October 9, 2018 (Tuesday) | 6251

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8014 o ang panukalang batas na mandatory PhilHealth coverage para sa mga may kapansanan o persons with disabilities (PWDs).

Dalawandaang kongresista ang bumoto na pabor, samantalang wala namang tumutol sa panukalang batas na aamyenda sa kasaluyang Magna Carta for Persons with Disability. Ang pondo ay kukunin sin tax law.

Inaasahang nasa 1.6 milyon na PWDs ang matutulungan ng nasabing panukalang batas.

Nauna rito ay pumasa na sa Senado noon pang Hulyo ang counterpart bill nito.

Mag-uusap naman ang mga senador at kongresista sa bicameral conference committee sa susunod na araw.

 

 

Tags: , ,